![]()
BINIGYANG-DIIN ni Senador Sherwin Gatchalian ang pangangailangan ng agresibong paghihigpit ng sinturon ng gobyerno sa gitna ng panganib sa katatagan ng ekonomiya dahil sa epekto ng patuloy na kaguluhan sa Middle East.
Iginiit ng chairman ng Senate Committee on Finance na bukod sa four-day work week, dapat limitahan na ang paggastos ng mga ahensya ng gobyerno.
Binigyang-diin ni Gatchalian na dapat limitahan ang mga official travels gayundin ang pagbili ng mga bagong sasakyan at pag-upgrade ng mga bagong kagamitan kung hindi naman makakatulong sa pagtitipid sa petrolyo, kuryente at operasyon ng mga opisina.
Inirekomenda rin ng senador na dapat suspindihin ang mga non-essential activities ay hikayatin ang carpooling at virtual meetings tulad ng ginawa noong Covid19 pandemic.
Idinagdag ng senador na dapat ang gobyerno ang manguna sa mga hakbangin para sa pagtitipid.
