![]()
Inspiring sa “young guns” ang latest survey ng Pulse Asia kung saan malakas ang public support na dapat isiwalat ang aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kina House Special Committee on West Philippine Sea Vice Chair Zia Alonto Adiong, Deputy Speakers Paolo Ortega V, at Jay Khonghun, ang survey ay nagpapakita na natutuwa ang nakararami sa pagdokumento ng pamahalaan sa mga panggigipit ng China sa WPS.
Para kay Adiong, alam ng taumbayan na mahalaga ang pagiging bukas sa mga nangyayari sa WPS.
Para naman kay Ortega, sa paglalahad ng ‘coercive actions’ sinisiguro ng Pilipinas na nasa likod nito ang international law at ang rules-based order.
Ayon naman kay Khonghun, ang resulta ng survey ay repleksyon ng strong national consensus na ang Pilipinas ay dapat ipagpatuloy ang pagsasabi ng totoo hinggil sa mga nangyayari sa WPS.
Sa February 27 to March 2 survey ng Pulse Asia, 68% ng mga Pilipino ay pabor na i-expose ang lahat ng kabalbalan ng China sa WPS, habang 28% lamang ang nagsabi na hindi.
