dzme1530.ph

PISTON, MAGLULUNSAD NG TRANSPORT STRIKE SA MARCH 19; P5 FARE INCREASE, IGIGII

Loading

Maglulunsad ng transport strike ang grupong PISTON sa Huwebes, March 19, bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

Ayon kay PISTON National President Mody Floranda, isasagawa ang transport strike sa buong National Capital Region at ilan pang bahagi ng bansa.

 

Maghahain din ang PISTON ng petisyon para sa limang pisong fare increase upang matulungan ang mga tsuper na makarekober sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

 

Iginiit ng PISTON na hindi sasapat ang limang libong pisong cash aid sa mga driver at operator.

 

Nanawagan din si Floranda sa mga oil companies na ibenta muna sa mababang presyo ang nakaimbak nilang produktong petrolyo.

 

Muli ring isinusulong ng transport group na ibasura na ang Oil Deregulation Law.

About The Author