dzme1530.ph

DEBT SERVICE BILL NG NATIONAL GOVERNMENT, PUMALO SA 2.1 TRILLION PESOS NOONG 2025

Loading

Umakyat sa 2.1 trillion pesos ang debt service payments ng National Government noong 2025.

 

Sa datos mula sa Bureau of Treasury, lumobo ng 4.08% ang debt repayments ng pamahalaan noong nakaraang taon mula sa 2.02 trillion pesos na naitala noong 2024.

 

Nalagpasan din nito ang 2.05 trillion peso full-year program para sa debt payments ng 2.6%.

 

Mahigit kalahati o 58.71% ng total debt payments ay napunta sa amortizations habang bumaba ng 1.46% o sa 1.24 trillion pesos ang principal payments noong nakaraang taon.

About The Author