dzme1530.ph

HIGIT P43 MILLION HALAGA NG ILLEGAL DRUGS NASAMSAM NG NBI AT NAIA TASK GROUP SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON SA PARAÑAQUE CITY.

Loading

Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit P43 milyong halaga ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa mga Customs Bonded Warehouse sa Parañaque City.

 

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) Nadiskubre nila ang iba’t ibang uri ng ilegal na droga na itinago sa mga ordinary shipment.

 

Unang nasamsam ng task group ang tatlong abandoned parcels mula sa isang shipment sa Lusaka, Zambia na patungo sana sa Dasmariñas, Cavite na naglalaman ng 3,596 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P24,452,800.

 

Samantala, dalawang parcel mula Berlin, Germany na naka-address sa isang pamilya sa Pasig City ang naglalaman ng 4,046 grams ng hinihinalang ecstasy na may tinatayang halaga na P5,259,800.

 

Sa kasunod na operasyon, natukoy din ng mga awtoridad ang isang inbound parcel na idineklara bilang “steel roller” mula rin sa Zambia at patungo sa General Trias, Cavite.

 

Nang suriin at isailalim sa drug analyzer, napag-alamang naglalaman ito ng illegal Drugs na nagkakahalaga ng P13,436,800. Ang mga nasamsam na illegal Drugs ay naiturnover na sa NAIA PDEA-IADITG para sa tamang disposisyon.

About The Author