![]()
Pag-uusapan ng House Committee on Justice kung papayagan ba o hindi na mapabilang sa legal team ni Vice President Sara Duterte ang dalawang abogado na posibleng witness din sa paglilitis.
Ayon kay Bicol Saro Party-List Rep. Terry Ridon, kabilang sa mga abogado ni Duterte sa impeachment trial ay sina Atty. Michael Poa at Atty. Reynold Munsayac, na kapwa humawak ng mahalagang posisyon sa OVP at DepEd.
Sa ilalim ng House rules, maaaring dumalo sa impeachment proceedings ang isang abogado, pero limitado lang ang papel nito sa ‘observer’ at hindi siya maaaring magsalita.
Nilinaw ni Ridon na walang pagtutol ang komite sa sinasabing 16 high profile lawyers ni Sara, maliban kina Poa at Monsayac.
Si Monsayac ay nabanggit sa testimonya ni fomer DepEd under-secretary Gloria Mercado hinggil sa umano’y pakikialam nito sa procurement process sa Kagawaran, bukod pa sa silang dalawa ay naging spokesperson ni Duterte.
Ang pinangangambahan ni Ridon ay kung i-invoke nina Monsayac at Poa ang lawyer-client privilege habang nasa kalagitnaan ng imbestigasyon na malinaw na ‘conflict of interest.’
