![]()
Maaaring mapabilis ang impeachment proceedings ng House Committee on Justice laban kay Vice President Sara Duterte kung hindi ito magsusumite ng reply.
Ngayong Lunes, March 16, 2026, matatapos ang 10-day non-extendable period na ibinigay ng komite para magsumite ng reply sa nakapaloob sa complaints.
Sa pagkakaalam ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon, wala pang natatanggap ang komite ng anumang dokumento mula sa kampo ng Bise Presidente.
Alinsunod sa itinakdang rules, matapos ang 10-days reply, may 3-days naman ang complainants para aralin ang reply, at panibagong 3-days para sa posibleng rejoinder ni VP Duterte.
Sakali at hindi talaga magsumite ng reply si VP Sara, mawawala ang total six days sa magkabilang kampo, na pwedeng magpaikli sa proseso.
Sa darating na Miyerkules ay may pagdinig ang Justice panel para sa preliminary matters ng impeachment proceedings, habang ang hearing proper ay nakatakda sa April 8—ito’y kung sasagot ang VP.
