![]()
Apat na karagdagang LEDAC Common Legislative Agenda ang maipapasa ng Kamara ngayong linggo bago ang Holy Week break sa Miyerkules, March 18.
Dahil dito, aabot na sa labing-pito (17) sa 52 LEDAC bills ang maaprubahan sa Kamara.
Ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos, nais nilang ipakita sa taumbayan na may resulta ang mga hinihinging batas ng administrasyon.
Binigyan credit ni Marcos si House Speaker Faustino Bojie Dy III sa mahusay nitong kompas, dahilan para maging on track sila sa Kamara sa mga priority measures.
Saad pa ni Marcos, lalo na ngayon na sumisipa pataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin dulot ng Middle East conflict, mas kailangan aniya ng sipag para maramdaman ng bawat Pilipino na may Kongreso at may pamahalaan na nagmamalasakit sa kanila.
Ang apat na LEDAC-CLA na aaprubahan ay ang Travel Tax Abolition, Digital Payments Act, Amendments to Universal Access to Quality Tertiary Education Act, at ang Presidential Merit Scholarship Program.
Dalawang LEDAC measures din ang nasa bicameral conference committee, at ito ay ang National Center for Geriatric Health bill at ang Resetting ng First Regular Elections sa BARMM.
