dzme1530.ph

BULKANG KANLAON SA NEGROS, MULING PUMUTOK KAGABI

Loading

Muling naranasan ang “moderately explosive” eruption sa Kanlaon Volcano sa Negros Island, kagabi.

 

Ayon sa PHIVOLCS, nangyari ang pagputok bandang 6:07 p.m. na nag-generate ng 2 kilometers na taas ng ash column.

 

Ito na ang ikatlong pagsabog sa Bulkang Kanlaon ngayong taon, matapos pumutok ng dalawang beses noong nakaraang buwan, partikular noong Feb. 19 at Feb. 26, na kapwa na-classify ng PHIVOLCS bilang moderately explosive eruptions.

 

Nananatili naman ang Alert Level 2 sa Kanlaon Volcano at mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone.

About The Author