dzme1530.ph

SAPAT NA SUPPLY NG BENTENG BIGAS, TINIYAK NG D-A

Loading

Tiniyak ng Department of Agriculture at Food Terminal Incorporated na may sapat na suplay ang benteng bigas sa programa ng gobyerno.
 
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na patuloy na nagre-replenish ng suplay ang National Food Authority upang maibenta sa Kadiwa program centers at iba pang distribution sites na pinamamahalaan ng mga lokal na pamahalaan.
 
Kaya naman paalala ng kalihim na ang pagpa-panic buying ay hindi makabubuti sa sitwasyon sa gitna ng tensyon sa Middle East.
 
Upang maiwasan naman ang hoarding at matiyak ang patas na distribusyon, lilimitahan ang pagbebenta ng murang bigas sa 10 kilo kada araw sa bawat benepisyaryo.
 
Prayoridad sa programa ang mga vulnerable at essential sectors kabilang na ang senior citizens, persons with disabilities, low-income families, solo parents at mga manggagawa sa agriculture at transport sectors.

About The Author