dzme1530.ph

MONITORING SA GAS STATIONS, PINAIGTING NG PNP

Loading

Pinaigting ng Philippine National Police ang monitoring sa mga gasoline stations na umaabuso o kaya ay nagsasara upang ireserba ang kanilang suplay sa mas mataas na presyo.

 

Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., nakatanggap sila ng ilang reklamo sa biglaang pagsasara ng mga gas stations sa gitna ng panibagong big time oil price hike sa Martes.

 

Iimbestigahan ng PNP kung sangkot ang mga gasoline station na ito sa hoarding o price manipulation.

 

Una nang hiniling ng Department of Trade and Industry ang tulong ng PNP sa pagmomonitor sa mga gasoline station upang maprotektahan ang mga consumer.

About The Author