dzme1530.ph

MALAKANYANG, NAGPALIWANAG SA HINDI PAGSALUBONG NI PBBM SA MGA UMUWING OFW MULA SA MIDDLE EAST

Loading

Nagpaliwanag ang Malakanyang kung bakit hindi kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng pamahalaan na sumalubong sa mga Pilipinong nagbalik-bayan mula sa Middle East sa gitna ng lumalalang kaguluhan sa rehiyon.

 

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, inatasan na ng Pangulo ang mga opisyal mula sa Department of Migrant Workers (DMW) at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para i-assist ang mga umuwing overseas Filipino workers (OFWs).

 

Sinabi rin ni Castro na ginagampanan ng Pangulo ang iba pang mahalagang responsibilidad, gaya ng pag-aasikaso sa karagdagang programa at tulong sa mga Pinoy upang mapagaan ang epekto sa bansa ng mga nangyayari sa Gitnang Silangan.

 

Noong Sabado ay inihayag ng DMW na kabuuang 1,315 OFWs at kanilang dependents na naapektuhan ng krisis sa Middle East ang natulungan ng pamahalaan simula March 5 to 14, sa ilalim ng Bagong Pilipinas Repatriation Program.

About The Author