dzme1530.ph

PAMAHALAAN, BINIBERIPIKA ANG REPORTS NA TATLONG PINOY ANG INARESTO DAHIL SA PAG-SHARE NG ATTACK VIDEOS SA DUBAI

Loading

Biniberipika ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi at Consulate General sa Dubai ang ulat na may mga Pilipinong inaresto dahil sa pag-share ng online content ng mga pag-atake kamakailan at air defense interceptions sa Dubai.

 

Sa statement, sinabi ng embahada na humingi ang gobyerno ng Pilipinas ng opisyal na kumpirmasyon at mga detalye mula sa local authorities kaugnay ng identity, status, at legal circumstances ng sinumang Pinoy na sangkot.

 

Nakasaad din sa statement na iginagalang ng Pilipinas ang sovereignty ng United Arab Emirates at ang karapatan nitong ipatupad ang kanilang national security, cybercrime, at public order laws.

 

Pinaalalahanan naman ang mga Pilipino na respetuhin ang local laws, customs, at security protocols, at pairalin ang “utmost caution” at responsibilidad sa paggamit ng kanilang social media at messaging platforms.

About The Author