![]()
E-eskortan ng US Navy, katuwang marahil ang international coalition, ang mga barko sa Strait of Hormuz, kapag posible na sa aspetong militar.
Pahayag ito ni US Treasury Secretary Scott Bessent, kasabay ng paniniwala na agad isasakatuparan ang plano kapag kumpleto ng nakontrol ng Estados Unidos ang himpapawid at napabagsak na ng tuluyan ang rebuilding capabilities ng Iran.
Lumawak ang regional tensions dahil sa mga pag-atake ng US at Israel at sunod-sunod na ganti ng Tehran, at nagparalisa sa paglalayag sa Strait of Hormuz, dahilan para sumirit ang presyo ng produktong petrolyo.
