dzme1530.ph

DTI, HINIMOK ANG EXPORTERS NA MAG-EXPAND SA PAMAMAGITAN NG 3-BILLION PESO LOAN FACILITY

Loading

Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 3-billion peso loan facility para sa Filipino exporters.

 

Ito ay upang suportahan ang production expansion at equipment upgrades para palakasin ang global competitiveness.

 

Sa launching, sinabi ni Trade Secretary Ma. Cristina Roque na ang pagpopondo sa programa ay magbibigay ng katikayan sa exporters ng resources upang ma-sustain ang kanilang growth at mag-expand sa bagong markets.

 

Ang loan facility ay dagdag sa iba pang financing programs ng DTI, kabilang ang 2-billion peso Negosyo Fund para sa overseas Filipino workers at loan program para sa kababaihang entrepreneurs, na nakapag-release na ng 2 billion pesos na halaga ng loans.

About The Author