dzme1530.ph

LOISA ANDALIO, ISINILANG NA ANG PANGANAY NA ANAK NILA NI RONNIE ALONTE

Loading

Nagsilang na si Loisa Andalio sa panganay na anak nila ni Ronnie Alonte na si “Nili.”

 

Inanunsyo ng celebrity couple ang magandang balita sa Instagram page ng aktor, kung saan ipinasilip nila ang litrato ng kanilang baby girl na nakabalot ng tela na may naka-burdang “RL” o Runi Lior.

 

Ibinahagi ni Loisa ang kaparehong post sa kanyang Instagram stories, at nilagyan ito ng background music na “My Girl” ng The Temptations.

 

Nagpaabot naman ng pagbati sa mag-asawa sa pamamagitan ng comment sections ang kapwa nila celebrities na sina Karla Estrada, Lotlot De Leon, Charlie Dizon, Chie Filomeno, at Rufa Mae Quinto.

 

2016 nang maging magkasintahan sina Liosa at Ronnie at nagpakasal sila noong November 2025.

About The Author