dzme1530.ph

“SHELTER-IN-PLACE” PROTOCOL PARA SA MGA OFW, PINURI NG CHAIRMAN NG HOUSE PANEL

Loading

Kumbinsido si AGIMAT Party List Rep. Bryan Revilla, chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs, sa ginagawang hakbang ng pamahalaan upang protektahan ang mga OFWs sa Gitnang Silangan. 

 

Masusing sinusunod ng mga opisyal ng Pilipinas sa Middle East ang derektiba ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang safety ng mga manggagawang Pinoy na naiipit sa crossfire. 

 

Partikular na nagustuhan ni Revilla ay ang pag parayoridad sa “shelter-in- place” protocol, at pinaigting na monitoring sa 2.4-M plus Filipinos sa buong rehiyon. 

 

Aminado ang mambabatas na mapanganib ang sitwasyon dahil sa palitan ng pag-atake, subalit 24/7 namang nakaalerto ang mga Embahada para sa mabilis na aksyon dokumentado man o hindi ang mangangailangan. 

 

Pangunahing binabantayan ay ang Israel, Kuwait, at Bahrain na siyang target ng mga pag-atake mula sa Iran. 

 

Nakapwesto na rin umano sa ilang strategic station sa border ng Egypt, Jordan, at Oman ang Rapid Response Team para mag-guide sa mga Pilipino patungo sa safe exit points. 

 

Nabatid din ni Revilla na sa Kuwait pa lamang, may 4,300 requests for assistance, at 2,700 nito ay gustong umuwi.

About The Author