dzme1530.ph

HILING NI SEN. DELA ROSA NA MAGAMIT NG KANYANG PAMILYA ANG SENATE MANSION SA BAGUIO CITY, HINDI PINAGBIGYAN NG SENADO

Loading

HINDI inaprubahan ng Senate leadership ang hiling ni Senador Ronald Bato dela Rosa na makatuloy ang kanyang pamilya sa Senate Mansion sa Baguio City. 

 

Ayon kay Senate Secretary Mark Llandro Mendoza, alinsunod sa polisiya ng Senado, kailangang kasama ang senador kapag tumuloy ang pamilya sa Senate Mansion. 

 

Bukod dito, may repairs din na ginagawa ngayon sa Senate Mansion. 

 

Ang Senate Mansion ay tinutuluyan ng mga senador kapag may aktibidad sila sa Baguio City. 

 

Una rito kinumpirma ni Senate President Vicente Tito Sotto III na sumulat sa kanya ang nagtatagong si Dela Rosa at ipinarating ang kahilingan. 

 

Sa sulat ni dela Rosa na may petsang March 12, hinihiling niyang magamit ng kanyang pamilya ang Senate Mansion sa March 26 hanggang 29. 

 

Sa naturang mansion manunuluyan sana ang pamilya ni dela Rosa habang isinasagawa ang CSAFP cup 2026.

About The Author