![]()
Posibleng ilabas na sa susunod na linggo ang desisyon sa hiling na itaas ang singil sa pasahe.
Sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez, na inatasan niya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang mga proposal ay ikonsidera ang lahat ng sektor.
Aniya, hindi lang mga tsuper, kundi pati lahat ng mga Pilipino na maaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis ang dapat na ikonsidera.
Inihayag ng kalihim na saklaw ng mga petisyon na inihain sa LTFRB ang mga bus, jeepney, at airport taxis.
