dzme1530.ph

PANANAHIMIK NI VP SARA DUTERTE SA KABILA NG IMPORMASYON SA POTENSYAL NA GYERA, ITINUTURING NA BREACH OF PUBLIC TRUST

Loading

Maituturing na breach of public trust ang pananahimik ni Vice President Sara Duterte kahit may impormasyon siya noon pang 2022 kaugnay sa kaguluhan sa Middle East.

 

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na mismo ang pangalawang pangulo ang nagyabang kaugnay sa pauna na niyang impormasyon.

 

Tanong ni Castro kung naipaalam ba ito ni VP Sara sa mga awtoridad noong 2022 upang sana ay nakapag handa ang gobyerno sa anumang posibilidad.

 

Kung sa kabila anya ng pagtanggap ng impormasyon at nanahimik lamang ang bise presidente ay maituturing na itong breach of public trust.

 

Katumbas anya ito ng non-feasance o taong gobyernong hindi nagtatrabaho.

About The Author