dzme1530.ph

DOTr, MAY P2.5 BILLION PONDO PARA SA FUEL SUBSIDY; SIISMULAN NA RIN ANG LIBRENG SAKAY PROGRAM

Loading

May 2.5 billion pesos na pondo ang Department of Transportation para magamit sa fuel subsidy program.

 

Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, naka depende sa konsumo ng driver ang ibibigay nilang subsidiya.

 

Ipinaliwanag niya na kapag mas malaki ang konsumo tulad ng bus ay mas malaki rin ang ibibigay na fuel subsidy.

 

Gayunman, nilinaw ng kalihim na maire-release lamang ang fuel subsidy kapag umabot na ng isang buwan ang average na presyo ng Dubai crude oil sa 80 dollars per barrel.

 

Kaya kung nagsimula anya ang pagsirit ng presyo ng langis ng March 1, posibleng hintayin ang release ng subsidiya hanggang March 30.

 

Mayroon na rin naman anyang hiwalay na cash assistance na ipamamahagi ang Department of Social Welfare and Development.

 

Bukod naman sa subsidiya, plano ng DOTr na simulan na ang pag-arangkada ng ‘libreng sakay program’ upang matulungan ang mga commuters.

 

Ilulunsad ang programa kapag nailabas na ang Special Allotment Release Order o SARO mula sa Department of Budget and Management.

About The Author