dzme1530.ph

DSWD, NAGLAAN NG P30 BILLION PARA SA AYUDA SA MGA NAAPEKTUHAN NG PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS

Loading

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na mayroon silang 30 billion pesos na pondo para sa financial assistance sa mga naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, partikular para sa mga tricycle at jeepney drivers.

 

Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang pondo ay mula sa kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program at magbibigay ng 5,000 pesos sa bawat benepisyaryo.

 

Nilinaw naman ni Gatchalian na ito ay magiging paunang ayuda lamang at may nakahanda pa silang pondo kung sakaling tumagal pa ang sitwasyon.

 

Unang mabibigyan ng ayuda ang 139,000 na tricycle drivers sa Metro Manila na sisimulan ang distribusyon sa Martes, March 17.

About The Author