dzme1530.ph

GOBYERNO AT MGA OIL COMPANY, BUMABALANGKAS NA NG HAKBANGIN PARA MATIYAK ANG SAPAT NA SUPLAY NG LANGIS SA BANSA

Loading

Bumabalangkas ng hakbangin ang gobyerno katuwang ang mga oil companies upang matiyak na tuloy-tuloy ang suplay ng produktong petrolyo.

 

Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na nagpulong na ang mga kinatawan ng oil company at mga opisyal ng gobyerno para matiyak na mabibigyan proteksyon ang taumbayan laban sa labis na pagtaas ng presyo.

 

Inamin naman ng mga oil company na nakakaya pa nila ang operational challenges na nararanasan sa pagpasok ng suplay ng petrolyo sa bansa.

 

Kabilang din sa tinalakay ang energy conservation measures at subsidiya sa transport sector.

 

Pinag-usapan din ang panukala na magbibigay ng emergency powers sa Pangulo upang suspindihin o bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo.

About The Author