dzme1530.ph

SUSPENSYON NG VAT SA LANGIS, MULING IGINIIT

Loading

MULING iginiit ni Senador Imee Marcos ang pangangailangang suspindihin na ang Value Added Tax sa produktong petrolyo dahil umaaaray na anya ang mga motorista sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.
 
Sinabi ni Marcos na 2022 pa lamang ay nakita at inasahan na ang krisis na ito kaya inihain niya ang Senate Bill 187 para bigyan ng kapangyarihan ang presidente na ipatigil pansamantala ang pataw na VAT.
 
Sa ilalim ng panukala, maaaring ibaba o suspendihin ang 12% VAT sa mga produktong petrolyo upang agad na maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa mga konsyumer.
Nilinaw din ni Marcos na hindi naman lahat ng sektor ang bibigyan ng diskwento.
 
Mas madali ring matukoy kung sino ang dapat makinabang sa ganitong hakbang.
 
May karanasan na anya ang pamahalaan sa pagbibigay ng diskwento sa VAT, gaya ng ginagawa para sa mga senior citizen.
 
Hinimok din ni Marcos ang Department of Finance (DOF) na pagbigyan ang pagbawas ng VAT para sa mga maliliit na sektor, sa halip na mapunta ang pinakamalaking benepisyo sa malalaking korporasyon.

About The Author