dzme1530.ph

PROPOSED EBAYAD ACT, LUSOT NA SA 2ND READING SA KAMARA

Loading

Lusot na rin sa second reading sa Kamara de Representantes ang eBayad Act o House Bill No. 8468.
 
Ang eBayad Act ay isinusulong para imandato ang digital payment sa lahat ng gov’t transactions.
 
Ikinasiya ito ni House Majority Floor Leader Sandro Marcos na siyang author ng panukala, dahil magpapagaan ito sa pang-araw-araw na transaksyon ng publiko.
 
Aniya, hindi dapat nauubos ang oras ng tao sa pila at pabalik-balik na transaksyon.
Bahagi rin ang eBayad Act sa LEDAC common legislative agenda na pinatututukan ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
 
Paliwanag naman ni Manila Cong. Erwin Tieng na tumayong sponsor ng panukala, layon ng eBayad Act na i-institutionalize ang paggamit ng ligtas at efficient digital payment system sa lahat ng financial transactions sa pamahalaan at pangangalakal.
 
Kasama na ang pagbibigay ng cash assistance, bayad sa sweldo, allowances, at honoraria ng mga empleyado ng gobyerno, korporasyon, LGUs, SUCs, at LCUs, maging mga gov’t offices na nakabase sa abroad.

About The Author