![]()
Naisumite na ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) ang lahat ng kasong may kinalaman sa mga pangunahing personalidad na sangkot sa anomalya sa mga flood control projects.
Ayon sa ICI, nakumpleto na nila ang kanilang imbestigasyon sa mga main personalities na sangkot sa scandal.
Samantala, ipinaubaya na nila ang imbestigasyon sa Philippine National Police, National Bureau of Investigation, at sa Department of Justice para sa iba pang sangkot.
Ito anila ang dahilan kaya’t hindi na pinaharap sa ICI ang iba pang nababanggit na pangalan tulad nina Benguet Rep. Eric Yap at kanyang kapatid na si dating ACT-CIS Partylist Rep. Edvic Yap.
Sa ngayon, kinokonsolida na ng ICI ang kanilang findings at naghahanda na ng final report sa kanilang imbestigasyon.
