![]()
Kabuuang 139,000 tricycle drivers sa Metro Manila ang unang makatatanggap ng limang libong cash relief mula sa gobyerno dahil sa epekto ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, ipamamahagi ang cash aid sa 39 payout centers sa Metro Manila simula sa March 17.
Sinabi ni Gatchalian na ang mga lokal na pamahalaan na ang mag-aanunsyo kung anong oras sisimulan ang payout.
Magtatayo rin ng help desks sa mga payout sites upang tulungan ang mga driver sa pagkuha ng cash aid.
Sunod namang mabibigyan ng fuel subsidy ang mga jeep at bus drivers, TNVS drivers, at PUV drivers.
Ipinaliwanag ng kalihim na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang in-charge sa paglabas ng talaan ng mga jeepney drivers na makakakuha ng cash aid.
