dzme1530.ph

MGA MANUFACTURERS NG MGA PANGUNAHING PRODUKTO, WALA PANG ABISO NG PAGTATAAS NG PRESYO

Loading

Sa kabila ng big time oil price hike, wala pang abiso ang mga manufacturers ng mga pangunahing produkto para sa pagtataas ng kanilang presyo.

 

Ito ang kinumpirma ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association Incorporated President Steven Cua sa kabila ng pahayag na asahan na rin ang pagtaas ng presyo ng iba’t ibang produkto sa mga susunod na araw. 

 

Muli ring pinayuhan ni Cua ang publiko na huwag magpanic buying. 

 

Sinabi ni Cua na mas mabuting bigyan ng panahon ng publiko ang produksyon na makagawa ng mga bagong stocks upang hindi mauwi sa ubusan ng supply.

 

Ipinaliwanag ni Cua na ang pag-iimbak ng mas maraming suplay nang higit sa pangangailangan ay posibleng makaapekto sa supply chain dahil kailangan din ng mahabang panahon para sa pagdating ng bagong suplay. 

About The Author