dzme1530.ph

ZAIJIAN JARANILLA, TIKOM ANG BIBIG SA ESTADO NG RELASYON KAY GELA ATAYDE

Loading

Nanatiling tikom ang bibig ni Zaijian Jaranilla nang tanungin tungkol sa kanyang real score kay Gela Atayde, sa gitna ng umuugong na relasyon umano ng dalawa sa social media.

Sa sidelines ng advance screening event ng “The Silent Noises,” matipid na “secret” ang isinagot ng aktor, bago ito ineskortan palayo ng security.

2025 nang magsimulang maghinala ang netizens sa relasyon nina Zaijian at Gela, subalit wala ni isa sa kanila ang nagkumpirma o itinangi ang kanilang status.

Nagkasa ang dalawa noong 2023 sa coming-of-age drama series na “Senior High,” pati na sa sequel nito na “High Street.”

About The Author