![]()
Kabuuang 44 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Israel at Dubai sa United Arab Emirates ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.
Sa social media post, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na 16 OFWs ang dumating mula sa Israel sa pamamagitan ng pagtawid sa Taba border patungong Egypt.
Mula sa Egypt ay bumiyahe sila patungong Oman bago makauwi sa Pilipinas.
Samantala, 25 OFWs at isang dependent mula Dubai ang dumating sa NAIA Terminal 3.
Ang lahat ng umuwing OFWs ay sinalubong ng DMW at iba pang concerned agencies bilang bahagi ng post-arrival assistance ng pamahalaan.
Makakatanggap sila ng financial at medical assistance, pati na rin psychosocial counseling, food, at accommodation and transportation assistance.
