![]()
Lusot na sa second reading ang panukalang bigyan ng special powers si PBBM para isuspindi o bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo.
Sa voice vote, kinatigan ng mga kongresista ang approval ng House Bill No. 8418 o “An Act Authorizing the President to Suspend or Reduce Excise Taxes on Petroleum Products during National o Global Economic Emergencies.
Magkatuwang na isinulong ni House Speaker Faustino Bojie Dy III at Majority Floor Leader Sandro Marcos ang panukala upang maka kilos agad ang gobyerno sa panahon na sumisipa ang presyo ng krudo dahil sa international events.
Binigyan diin naman ni Ways and Means panel chairman Miro Quimbo na sponsor sa plenary debate, ang ipinagkaloob na kapangyarihan sa Pangulo ay hindi open-ended, dahil batbat ito ng safeguards para protektahan ang consumers at fiscal stability.
