![]()
Hindi i-a-adopt ng COMELEC ang four-day workweek bunsod ng ginagawaang paghahanda para sa tatlong eleksyon ngayong 2026.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia, na hindi maaring magpatupad ang poll body ng condensed work schedule dahil sa ongoing nationwide voter registration.
Kabilang sa pinaghahandaang halalan ngayong taon ang special elections sa 2nd District ng Antipolo City na nakatakda sa March 14; Bangsamoro Parliamentary Elections na target sa Setyembre; at Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na itinakda sa Nov. 2.
Sa kabila naman ng hindi pag-adopt sa polisiya, binigyang-diin ni Garcia na sinimulan na nilang magpatupad ng iba’t ibang energy-saving measures, kabilang ang pagpapatay ng aircon isa o dalawang oras bago magsara ang mga opisina at pag-unplug ng hindi ginagamit na appliances.
