dzme1530.ph

SUBSTITUTE BILL NA MAGBIBIGAY NG KAPANGYARIHAN KAY PANGULONG MARCOS NA SUSPINDIHIN O TAPYASAN ANG FUEL EXCISE TAX, APRUBADO NA SA HOUSE PANEL

Loading

Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang substitute bill na nag-ootorisa kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. na suspendihin o bawasan ang fuel excise taxes.

Labing limang House bills at dalawang joint resolutions kabilang ang HB No. 8292 nina Speaker Faustino Bojie Dy III at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang pinag-isa ng Ways and Means panel.

Nakapaloob din dito ang HB No. 5779 ni former Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na nagtatanggal sa excise tax on fuel sa paraan ng pag-amyenda sa RA No. 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sakop nito ang pag-amyenda sa National Internal Revenue Code, kung saan binibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na bawasan o kaya suspendihin ang excise tax on petroleum products kung ito ay irerekomenda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa koordinasyon ng DOE.

Ilan sa mga basehan ay kung aabot sa 80 US dollars per barrel ang average Dubai crude oil prices batay sa Mean of Platts Singapore o MOPS.

Kung ang Presidente ay magdeklara ng national emergency o calamity na magreresulta sa extraordinary increases sa domestic pump prices of petroleum products.

Ang reduction o suspension ay maaaring tumagal ng six months, at maaaring palawigin sa maximum na isang taon, na subject sa congressional action.

Ang kapangyarihan na ipinagkakaloob sa Pangulo ay magiging epektibo hanggang Dec. 31, 2028.

About The Author