![]()
Tahasang hinamon ng National Unity Party o NUP ang House Committee on Justice na magpresenta ng bagong ebidensya at malakas na kaso laban kay Vice President Sara Duterte.
Ang hamon ng NUP ay matapos ideklara ng komite na sufficient in substance ang dalawang impeachment complaint laban sa VP.
Muling iginiit ng partido na seryosong constitutional process ang impeachment, kaya dapat naka-anchor ito sa clear, compelling, at credible evidence.
At ang kawalan nito ay mahirap umano sa mga kasapi ng NUP na paboran ang transmittal ng impeachment complaint sa Senado.
Saad pa ng NUP, hindi nila nais magpadala ng mahinang kaso sa Senado na sa dakong huli ay idi-dismiss lang dahil magpapahina ito sa kredibilidad ng impeachment process at sa constitutional mechanism.
Tiniyak naman ni NUP Chairman, Deputy Speaker Ronaldo Puno na patuloy silang mag-oobserba at maingat na susuriin ang mga ebidensya na ilahad sa komite.
