dzme1530.ph

30 CHINESE SHIPS, NAMATAAN SA WEST PHILIPPINE SEA

Loading

Kinumpirma ng Philippine Navy na umaabot sa 30 Chinese ships ang namataan sa ilang bahagi ng West Philippine Sea ngayong buwan.
 
Sa record ng Navy, mula March 1 hanggang 8 ay nakita ang 11 Chinese vessels sa Bajo de Masinloc; walo sa Ayungin Shoal; pito sa Escoda Shoal; at apat sa Pagasa Island.
 
Mas mababa naman ito kumpara sa 34 Chinese vessels na namonitor sa West Philippine Sea mula February 22 hanggang March 1.
 
Tiniyak naman ng Navy na nagpapatuloy ang kanilang pagbabantay sa teritoryong sakop ng bansa.

About The Author