dzme1530.ph

PBBM, DISMAYADO AT NAGALIT SA SUPLADONG EMPLEYADO NG MIGRANT WORKERS OFFICE SA BAHRAIN

Loading

Dismayado at galit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa empleyado ng Migrant Workers Office sa Bahrain na nagsuplado sa mga OFW na nagpapa-saklolo sa gitna ng tensyon sa Middle East.
 
Kinumpirma ito ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro at katunayan ay inatasan anya ng Pangulo si DMW Secretary Hans Leo Cacdac na agad itong aksyunin.
 
Pinaalalahanan ni Castro ang mga kawani ng gobyerno na huwag umabuso sa kanilang tungkulin o awtoridad at tiyaking hindi nila binabalewala ang pangangailangan ng mamamayan.
 
Una rito, ipinre-recall na ni Cacdac ang empleyado kasunod ng viral video na itinataboy niya ang mga OFW na humihingi ng tulong.

About The Author