dzme1530.ph

ML REP. LEILA DE LIMA, KUMBINSIDONG MGA DUTERTE ANG NASA LIKOD NG PAGKALADKAD SA KANYA SA FLOOD CONTROL SCANDAL

Loading

Itinuro ni Mamamayang liberal Party List at Senior Deputy Minority Leader Leila de Lima, ang kampo ng mga Duterte na siyang nasa likod ng pagkaladkad sa kanya sa flood control kickbacks.

 

Kahapon ay sinampahan ni de Lima at Fr. Flaviano Flavie Villanueva ng cyberlibel raps at perjury complaint si Atty. Levito Baligod at 18 former Marines.

 

Ayon kay de Lima coordinated effort ito ng mga kaalyado ng dating pangulo, para lumikha ng kalituhan sa harap ng nangyaya-ring political developments.

 

Sinangayunan din nito ang naging pahayag ni former Senator Sonny Trillanes na kagagawan ito ng mga Duterte, at isinabay ang timing sa ICC hearings.

 

Si de Lima kasama si Fr. Villanueva, ang 2025 Ramon Magsaysay Awardee at nagpapatak bo ng “Program Paghilom” ay nagsampa ng cyberlibel case sa NBI laban kay Baligod at 18 alleged former marines.

 

Kasong perjury naman ang isinampa pa rin ng dalawa sa Dept. of Justice laban pa rin kina Baligod sa 18 former Marines.

About The Author