![]()
KINUWESTYON ni Senador Rodante Marcoleta ang kabiguan ng Senate Blue Ribbon Committee na ipatawag sa pagsisiyasat sa flood control scandal sina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Cong. Zaldy Co at ang 18 sundalo na bagmen umano ni Co.
Nagtataka si Marcoleta kung ano kinatatakutan ng chairman ng kumite na si Senador Panfilo Lacson kasabay ng tanong kung hanggang kailan ang pagharang sa katotohanan at pagbubulag-bulagan.
Pinuna ni Marcoleta na hindi pinatawag ni Lacson noon si Romualdez kahit nabanggit na ni Orly Guteza.
Gayundin ang 17 kongresista na idinawit sa scam ng mag-asawang sina Curlee at Sarah Discaya ay hindi rin ipinatawag.
Binigyang-diin ni Marcoleta na hindi bahagi ng rules ng Senado ang sinasabing tradisyon na interparliamentary courtesy.
Maging ang taong binanggit mismo ni Lacson sa kanyang privilege speech na dawit sa iskandalo kabilang si dati Liaison Office Undersecretary Adrian Bersamin.
Kinuwestyon din ni Marcoleta ang kawalan ng lagda ni Lacson sa partial committee report ng Blue Ribbon kaugnay sa flood control mess.
