dzme1530.ph

PALASYO, ITINANGGING MAY BASBAS NITO ANG PAG-ALIS KAY CONG. ERICE BILANG SENIOR DEPUTY MINORITY LEADER

Loading

Itinanggi ng Malacañang na may kumpas nito ang pag-alis kay Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice bilang senior deputy minority leader sa House of Representatives.
 
Sinisi kasi ni Erice ang Malacañang at si Presidential son, House Majority Leader Sandro Marcos sa kanyang pagkakatanggal sa puwesto, sa pagsasabing ito ay politically motivated.
 
Binigyang-diin ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na grupo mismo ni Erice ang umayaw sa kanya, at ang mga kasamahan nito sa minorya na mula sa oposisyon ay hindi madidiktahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. o ni Cong. Sandro Marcos.
 
Idinagdag ni Castro na isinuka ng minorya si Erice, marahil dahil sa kanyang paniniwala o adhikain.

About The Author