![]()
Tatlong mataas na opisyal ng Philippine National Police ang naapektuhan ng pinakabagong balasahan sa kanilang hanay.
Sa atas ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., itinalaga si Police Brig. Gen. Paul Kenneth Tuhay Lucas bilang bagong director ng Special Action Force.
Itinalaga naman si Police Brig. Gen. Hansel Marantan bilang regional director ng Police Regional Office 4A o CALABARZON.
Papalitan si Marantan ni Police Brig. Gen. Jessie Tamayao bilang bagong director ng Highway Patrol Group.
Epektibo ang balasahan ngayong araw na ito.
