dzme1530.ph

FORMAL REQUEST PARA SA HILING NA EMERGENCY POWERS, IPAPADALA NA NG MALAKANYANG SA KONGRESO

Loading


Magpapadala na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng formal request sa Kongreso para sa hinihiling na emergency powers upang bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo.

Tiniyak din ng Malacañang na sersertipikahang urgent ang panukala sa pagbibigay kapangyarihan sa pangulo na bawasan ang excise tax kapag lumagpas sa 80 dollars per barrel ang krudo.

Una nang inihain ni Marikina City 2nd District Rep. Miro Quimbo ng panukala para amyendahan ang 1987 National Internal Revenue Code para payagan ang pangulo sa rekomendasyon ng Finance Secretary na suspindihin ang buwis.

About The Author