![]()
Sinagot ng Malacañang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na madali lamang magpadala ng eroplano sa Middle East upang iuwi ang mga Filipino na naiipit sa kaguluhan.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na hindi makapagpadala ang gobyerno ng air assets sa Middle East dahil sa airspace shutdown.
Ipinaliwanag ni Castro na mahigpit din ang bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking walang Pinoy ang maiipit sa friendly fires.
Nangangamba anya ang pangulo na lalong malagay sa kapahamakan ang mga Pinoy.
Dapat anyang matiyak na kung ililipad ang mga Filipino ay ligtas silang makakauwi.
