![]()
Nalagpasan ng Pilipinas ang China bilang pinakamalaking buyer ng pork at pork products mula sa Brazil, ayon sa US Department of Agriculture (USDA).
Sa report, sinabi ng USDA na umakyat sa 56.6% ang Brazilian pork exports sa Pilipinas noong nakaraang taon na umabot sa 433,595 metric tons.
Ang shipments sa Pilipinas ay kumakatawan sa 25.3% ng total pork exports ng Brazil noong 2025, dahilan para maging top destination ang bansa ng Brazilian pork products.
Una nang iniulat ng Bureau of Animal Industry (BAI) na tumaas ang meat imports ng 13.38% sa record na 1.64 million metric tons noong nakaraang taon.
