![]()
Nanawagan ng congressional briefing si House Majority Floor Leader Sandro Marcos para alamin ang lagay ng mga OFWs sa Middle East.
Ayon kay Marcos, inatasan ni House Speaker Faustino Bojie Dy III ang Committees on Foreign Affairs at Overseas Workers Affairs na nagsagawa ng joint briefing sa Miyerkules.
Ang briefing ay para alamin ang updated assessment ng buong sitwasyon, at tingnan ang kahandaan ng gobyerno.
Ang nais malaman ng Kamara ay ang sitwasyon mismo sa ground o mga lugar na apektado, at kung paano inaalalayan ang mga OFW.
Nais marinig ni Marcos sa DMW, DoF at relevant agencies ang kasalukuyang security conditions, contingency plan para sa tulong, evacuation, o repatriation kung kinakailangan.
Giit ni Marcos, mahalaga ang role ng OFWs sa kanilang pamilya at sa ekonomiya ng bansa, kaya naman ngayong may problema sa lugar ng kanilang pinagtatrabahuhan, tungkulin naman ng gobyerno na pagmalasakitan.
