![]()
Plano ng Philippine National Oil Company o PNOC na bumili ng isang milyong bariles ng diesel reserves sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa kaguluhan sa Middle East.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, ang plano ay ibebenta rin ang bibilhin nilang diesel reserve sa mga oil companies.
Ipinaliwanag ni Abad na ito ay bilang tulong lamang sa pagkakaroon ng reserbang diesel.
Nilinaw naman ni Abad na ang posibleng procurement ay hindi agad makakatulong sa oil prices sa susunod na linggo kung kailan tinayang tataas ang presyo ng diesel mula pitong piso hanggang 28 pesos kada litro.
Iginiit ni Abad na extraordinary na ang sitwasyon kaya hindi na dapat ipaubaya na lamang sa pribadong sektor ang suplay ng langis. | via Dang Garcia
