dzme1530.ph

CURLEE DISCAYA, NAOSPITAL DAHIL SA FROZEN SHOULDER

Loading

NILINAW ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Panfilo Ping Lacson na walang malalang karamdaman at sa halip ay frozen shoulder ang idinaing ng contractor na si Curlee Discaya kaya’t pinayagan siyang dalhin sa ospital para sa out patient checkup. 

 

Sinabi ni Lacson na pinagbigyan nila ang request ni Discaya na makapagpacheck up dahil sa pananakit ng balikat. 

 

Ayon sa abogado ni Discaya, sumailalim ang kanyang kliyente sa MRI subalit wala pang inilalabas na resulta.

 

Si Discaya na lamang ang natitira sa detention cell ng Senado dahil wala pang update sa kanyang aplikasyon bilang state witness sa flood control scandal.

 

Matatandaang si Curlee kasama ang kanyang asawang si Sarah ang unang nagbanggit sa pangalan nina dating House Speaker Martin Romualdez at dating Cong Zaldy Co na humingi umano ng 25 percent na kickback  sa flood control projects ng gobyerno.

 

May iba pang pangalan ng kongresista ang kanilang binanggit sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee subalit hindi pa nila naibibigay sa kumite ang kanilang logbook.

About The Author