dzme1530.ph

PNP, MAY BAGONG ISTRATEHIYA SA PAGTUGIS KAY CHARLIE ATONG ANG

Loading

Naglunsad ng panibagong mga hakbangin ang Department of the Interior and Local Government sa pagtugis sa negosyanteng si Charlie Atong Ang. 

 

Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ilulunsad nila ang large-scale manhunt kasama ang lahat ng security forces ng gobyerno.

 

Ipinaliwanag ni Remulla na sa bago nilang hakbangin ay makikipag-ugnayan na sila sa International Intelligence Agencies upang mas maging malawak ang operasyon. 

 

Gagamit na rin anya sila ng advanced technology sa pagtugis sa pugante tulad ng mga satellites. 

 

Sa ngayon ay nagsimula na silang makipag-ugnayan sa interpol katuwang ang department of foreign affairs para sa aplikasyon ng red notice.

About The Author