dzme1530.ph

DALAWA PATAY, APAT SUGATAN SA PAMAMARIL SA AZURE RESIDENCES SA PARAÑAQUE CITY

Loading

Patay ang dalawang katao habang apat naman ang sugatan matapos ang pamamaril sa loob ng Azure Urban Resort Residences sa Parañaque City.

 

Batay sa paunang ulat ng mga awtoridad, naganap ang insidente sa basketball court area ng condominium complex kung saan may mga taong naglalaro at nagtitipon.

 

Ayon sa mga saksi, bigla na lamang umanong naglabas ng baril ang isang armadong lalaki at nagpaputok ng ilang beses dahilan upang tamaan ang mga biktima.

 

Dahil sa insidente dalawang katao ang agad na nasawi habang apat naman ang nasugatan at isinugod sa ospital upang mabigyan ng agarang lunas.

 

Nagkaroon ng matinding takot at kaguluhan sa loob ng condominium complex matapos marinig ng mga residente ang sunod-sunod na putok ng baril.

 

Marami sa kanila ang agad na nagtago o lumayo sa lugar upang makaiwas sa panganib.

 

Agad namang rumesponde ang mga pulis upang kontrolin ang sitwasyon at simulan ang imbestigasyon.

 

Sinusuri na rin ng mga awtoridad ang mga CCTV footage sa loob ng condominium upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa pamamaril.

About The Author