![]()
Itinuturing ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na world class ang mga flood control projects sa Marikina City.
Sinabi ni Dizon na ang paraan ng lungsod ay kahalintulad ng pinakamahusay na practice na makikita sa ibang bansa na kilala sa epektibong flood management systems.
Kinilala rin ng kalihim ang malawak na rehabilitasyon sa Marikina River ng lokal na pamahalaan.
Dahil dito, inimbitahan ni Dizon si Marikina City Mayor Maan Teodoro at 1st District Rep. Marcelino Teodoro na ibahagi sa ibang local government unit ang kanilang mga inisyatiba sa flood control bilang modelo ng best practices.
Nangako naman si Dizon kina Teodoro na magkakaroon ng sapat na pondo upang mapabilis ang pag kumpleto sa Pasig-Marikina River Channel Improvement Project upang mapakinabangan na ng mga residente.
