![]()
Umakyat sa 18.13 trillion pesos ang utang ng pamahalaan noong Enero.
Sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury, lumobo ng 2.41% ang utang ng National Government mula sa 17.707 trillion pesos noong Disyembre.
Mas mataas din ito ng 11.6% mula sa 16.312 trillion pesos noong January 2025.
Batay sa datos, ang 12.324 trillion pesos na domestic debt ay katumbas ng 68% ng kabuuang utang, na mas mataas ng 1.72% mula sa 12.116 trillion pesos noong December.
Samantala, ang external obligations o utang panlabas ay lumago ng 3.89% o sa 5.809 trillion pesos mula sa 5.591 trillion pesos noong Disyembre
